Wednesday, August 31, 2011

On Filipinism-Isang Alay sa Wika

I hate myself for not being able to write well in Filipino and to think that I call myself an advocate of our culture and language. And so, dahil August ngayon at Buwan ng Wika, ihahandog ko ang isang tula na nililok ng aking utak kahapon habang ako'y umiinom ng kape sa aming hapag-kainan.

 083111

Balat-kayong ngiti
animo'y kutitap ng mga alitaptap
na nagpapanggap na mga tala.

Ang mga huni ng mga pipit
musikang nagbibigay himig
sa makamundong kalungkutang
iyong nababatid

Sa pagdaloy ng batis
at sa lawiswis ng hangin
iyong maamoy ang baho
ng iyong mga kilos.
Marumi. Malangsa.
Kagimbal-gimbal.

Anino ng nakaraan 
gusto mong matakasan,
subalit nakagapos ka
sa sarili mong mga gawa.

Ang pluma ang iyong sandata
sa paglimot ng nakalipas.
Ang papel ang saksi
ng iyong pagsisisi.

Lipad na ibong nakagapos.
Ngumiti 'pagkat walang nakakabatid. 

Pasensya na kung di masyadong maganda. Hindi ako ganyan ka bihasa sa Filipino at Bisaya ang aking pangunahing dialect.

No comments:

Post a Comment